John Patrick Ong <marley@mnl.sequel.net> Manila, Philippines
Sa isa sa mga piankasegregadong mga lungsod a Estados Unidos, ang Maxwell St. ay naging isang di-pangkaraniwang tagpuan kung saan ang pagkakaiba at dibersidad ay binigyang halaga. Bunga nito, maraming mga katuparan at pagtatagumpay ang naganap.
Ang mga ritmo at mga tonalidad ng musikang ito ay ang unti-unting naging "rock-n' roll". Sa maikling salita, ang pag-unlad ng musika na nakasentro sa paligid ng Maxwell St. ay naging pundasyon at panulok ng isa sa mga pinakamahalagang musikal at kultural na pag-usbong sa lipunang Amerikano ng ating henerasyon. -Howard Stovall, Blues Foundation
Ninanais ng Koalisyon ng Makasaysayang Pananatili ng Maxwell St. (The Maxwell St. Historic Preservation Coalition) na ipreserba at ayusin ang mga natitirang mga bloke sa South Halsted St. at sa Maxwell St. upang maging isang makasaysayang distrito nang maparangal ang kasaysayan ng mga Hudyong taga-Chicago, Ang Daklang Pandrayuhan mula sa Mississippi Delta, ang kasaysayan ng mga dayuhang Mehikano, ang mga negosyong dayo/imigrante at ang Kasaysayan at Mana ng Musikang Blues sa Chicago. Ang legado at mpamana ng Maxwell St. ay hindi pagmamay-ari ng Unibersidad ng Illinois. Ito ay isang kabutinhang pampubliko ng buong mundo. Ito ang aming kasaysayan. Huwag nating payaging masira ito.
Kung maaari, magpadala kayo ng isang mesahe o palihim ng pamamalasakit na may sinasabing ninanais ninyong masama at malangkap ang isang Maxwell Street Historic Preservation District sa mga planong komersyal na pagbabago at paglaki sa pook ng Maxwell St. Ipadala lamang kay: Chancellor David Broski; University of Illinois sa Chicago, 601, S. Morgan, Chicago, IL 60607 USA; telepono: 312-413-3350; Fax: 312-413-3393; email<David C. Broski@uic.edu>
Magpadala rin sa amin ng isang kopya ng inyong mensahe kay Chancellor Broski upang mailagay namin sa aming web site. -Maxwell St. Historic Preservation Coalition c/o Professor Steve Balkin, Roosevelt University 430 S. Michigan Avenue, Chicago, IL 60605, USA; telepono: 312-341-3696; fax: 312-341-3680, email<mar@interaccess.com> Homepage <http://www.openair.org/maxwell/preserve.html>.
Ilang sipi: "Ang Maxwell St. ay sumisimbolo ng isang paglalakbay patungo sa kalayaan at oportunidad. Para sa mga tagatungod at mga nagmamahal ng Blues, ang Maxwell St. ay parang isang Mecca bilang pook na pinanganakan ng Chicago blues, at ang lugar kung saan matatagpo at naninirahan ang kanyang mga maaalamat at lehendaryong mga maestro" -Jim Hebert<jhebert@ari.net> Mclean VA
"Isang Maxwell St. Presevation District ay magiging isang bukal ng kultural na pagpapahiwatig, isang mayamang atraksiyong panturista at isang pinagkukunan ng mga pagkakataong pang-edukasyonal at pampananaliksik" Congressman Danny K. Davis, 7th Cong. District <fax#773-533-7530>Chicago
"Ang pook ng Maxwell St. ay pumasok sa isang kalagayang maalamat sa kasaysayan ng pamumuhay ng mga Amerikanong Hudyo at dapat ipreserba sa pinakamakasaysayang mga detalye na kaya" Abraham Peck, American Jewish Archives<abraham peck@uc.edu> Cincinnati
"Kami, ang komunidad ng Maxwell St. ay sumusubok na turuan ang aming mga kabataan habang pinipreserba ang aming minana at kasaysayan ng aming komunidad" -Geraldo Reyes, St. Francis of Assisi Church<fax#773-376-6419>Chicago
return to Preserve Maxwell Street